Kumpisalan: Hahabol ka din kaya?
Mula sa kapanganakan
Tayo ay makasalanan
Hindi madaling takasan
Ngunit mayroong ibang paraan
Kumpisalan ang sagot
Upang hindi ka na managot
Nagawang sala ay malimot
At alisin ang galit at poot
Ngunit panahon ngayo’y mabilis na
Lahat ng tao ay abalang-abala
Magkakapanahon pa kaya
Upang magpalinis ng kusa?
Posible kayang mangyari
Na ang kumpisala’y di tulad ng dati
Mas mabilis, mas madali
Dahil nariyan lang sa tabi-tabi
Imbes na sa simbahan matatagpuan
Makikita na kung saan-saan
Teknolohiya ang pinuhunan
ATM ang tinularan
Pipila ka lamang, pipindot
Ang makina’y agad na sasagot
Uri ng kasalanang ikinasangkot
Mapipili na sa isang pindot
Agad-agad ibibigay
Kapatawarang hinihintay
Ngunit bilang kapalit, kailangang magbigay
Handog sa simbahan, pwedeng ialay
Maaaring gamitin ang credit card
Savings account o debit card
I-transfer lang ang halagang nakasaad
Pasasalamatan ka na agad
Kaya kaya ng teknolohiya
Sistema ng pangungumpisal gawing iba
Hindi matagal, walang abala
Computerized at automated pa
Ngunit ang ATM na tinularan
Ay isang makinang may hangganan
Paano kung hindi maintindihan
Ang inaaming kasalanan?
Kung talagang magkakaroon
Sa darating na panahon
Huwang sanang makalimutan
Ang tunay na pinagmulan
Bilang tao’y dapat laging tandaan
Na tayo’y matutukso sa kasalanan
Mayroon o wala mang kumpisalan
Manaig sana ang katapatan
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ito ay isang pagmumuni-muni na aking inilahad gamit ang tula. Dahil
napag-usapan sa klase ang kumpisalan at ang pagbabago ng mga bagay dahil sa
panahon (halimbawa, ang pagtingin sa buwan at ang pagkakaroon ng mga anak sa
labas), naisip ko na ilagay sa kakaibang panahon ang ideya ng kumpisalan. Paano
kaya kung sa hinaharap, maging tulad nalang din ng mga ATM at ibang makina ang
kumpisalan? Paano kaya kung maging instant
na ito at electronic? Abangan.
May mga typo error at/o maling gramatika pa rin dito tulad ng "nalang" at sa mismong pamagat, ang "na din." Maging mas maingat pa sa susunod; tiyaking napag-aralan nang mabuti ang ating "Checklist." Alalahanin ding hindi basta't nagtugma at sukat ay tula na; mahalagang isaalang-alang din ang ibang kasiningan na inaasahan sa tula.
TumugonBurahin