Sagrado o Sarado?
Isa sa mga kamalayang binuksan sa aming
pagtatalakay ay ang kaugnayan ng mata o pagtingin ng lalaki sa katawan ng
babae. Hindi na bago ang ganitong kaisipan ngunit nais kong magbigay ng aking
sariling interpretasyon sa ganitong aspeto ng humanidad.
Sa larawan sa itaas, makikita na
may dalawang uri ng pagtingin sa babae: bilang sagrado at bilang sarado.
Malaking impluwensiya ang kultura at tradisyong ng iba’t ibat lahi sa
pagkakaroon ng ganitong pagtingin sa babae.
Ang babae, lalo na sa Gitnang
Silangan, ay hindi pinagkakalooban ng pantay ng karapatan tulad ng sa mga
lalaki. Ngunit, makikita sa kanilang mga panlabas na anyo ang kasagraduhan nila
sa lipunan. Nakamamanghang isipin na sa isang bayan na hindi binibigyan ng
halaga ang mga babae pagdating sa mga karapatan, mas pinapakitang sila ay
sagrado. Kumbaga, kabalintunaan ng kanilang prinsipyo ang kanilang pinapakita.
Nakabalot sa tela ang kanilang buong katawan at halos mata nalang ang iyong
makikita. Itinuturing nilang kahihiyan ang malantad ang kanilang balat, lalo na
sa mga lalaki. Nakatutuwa ring isipin na kahit ang kanilang interaksyon ay
kakikitaan ng kasagraduhan.Kapag nahawakan mo ang kanilang
kamay o hita ay kailangan mo na silang pakasalan. Ang kanilang katawan ay
itinuturing na sagradong bagay na hindi dapat nababahiran ng karumihan.
Sa kabilang banda naman, may mga
babaeng pinipiling maging sarado sa ganitong kaisipan. Makikita din ang
kanilang kasaraduhan sa mga bagay na kanilang ginagawa. Halimbawa, sa Estados
Unidos, kung saan liberal ang mga babae at ang kulturang liberal ang
nangingibabaw, nakikita ang mga babae bilang sex toy o kaya’t tagapagbigay lamang ng aliw o kasiyahan. Kung kaya’t
tulad sa larawan sa itaas, ang kanilang mga mata ay tinatakpan. Ito ay dahil
ang mga mata ang tunay na nagpapakilala sa kalooban ng isang tao. Sa isang
bayan na binibigyan ng pantay na karapatan at kapangyarihan ang mga babae, doon
pa sila hindi nirerespeto at binibigyang-galang.
Ano nga kaya ang mas magandang
pagtrato sa mga babae? Saan ba dapat sila lumugar sa ating lipunan? Ano ang mas
nararapat na pagtingin sa ating mga kababaihan? Sagrado o sarado?
Image Source: http://d24w6bsrhbeh9d.cloudfront.net/photo/5538121_700b.jpg
Binibigyan kita ng isang markang pagtaas para rito, Danielle!
TumugonBurahinTop casinos that accept US players in 2021
TumugonBurahin› casinosites › casinosites You 블랙 잭 전략 can 온라인바카라 now play all seda bet the slot games at Casino Sites. Find the most up to date casino 가입시 꽁 머니 환전 list for US 승인 전화 없는 토토 사이트 players.